Weather in Ilagan City, Isabela, Philippines

Monday, October 23, 2023

Tropang Sawi

By: Ren Coruejo

Tara na't Pakinggan,
Kaming mga nasaktan,
Kami'y magpapakilala lng nman,

Ako nga Pala si "Patpat"
Iyon ang tawag nila sa tulad kong Payat,
Minsan nang pinakilig ng taong di tapat,
Ginawang mundo ang taong di karapatdapat,
Nabulag sa pag ibig na inakalang sapat,
Sinisi ang sarili sa katawang buto't balat
Ngayon puso ko'y tila nalowbat
Dahil sa panloloko ng taong Huwad.


Ngayo'y ako naman ang mkikipagkwentuhan,
Ako nga pala si Repob, Pobre ang kabaliktaran,
Minsan ding nahumaling sa gandang kumikinang,
Nasilaw at naakit sa babaeng buwang,
Kinutya, pinagtaksilan, pinagpalit sa Mayaman,
Paghihirap at sakit tiniis na lamang,
Sarili tinanong, Ang pagiging mahirap ba'y isang Kasalanan?

Tama na ang mga salaysay aking mga Tropa,
Ako nman ngayon ang mgpapakilala,
Pangalan ko'y Negrita iyon ang tawag nila,
Umibig sa Lalaking may ibang sinisinta,
Nilalait, pinupuna, kulay kong di kaaya aya,
Tinutukso't binabato ng masasakit na salita,
Hindi mkatulog mula gabi hanggang umaga,
Sa kakaisip kung bakit siya pa,
Iniibig kong lalaki kasing ugali nila,
Ngayo'y natuto na,
Kadalasang ugali ng tao'y kabaliktaran ng itsura.

Labis na sakit na ang mga naririnig ko,
Ako'y pakinggan, estorya ko'y isaulo,
Wala sa Likod, dahil nasa harap nyo,
"Bekikang" iyan ang tawag sakin ng mga tao,
Bakletang mahilig sa matcho at gwapo,
Minsang naging seryoso sa lalaking siraulo,
Binigay ang lahat, maging ang buhay ko,
Binubugbog, pinerahan ng lalaking tarantado,
Sa ibang bakla'y nkipagtalik kapalit ng malaking premyo,
Mga inipon ko't pinaghirapa'y winaldas ng gago,
Mga plano kong binuo'y biglang naglaho,
Dahil sa isang lalaking manlolokong minuminuto,

Aking mga kaibigan, relax muna kayo diyan,
Talambuhay ko nman ang inyong pakinggan,
Ako pala si "Bobby" iyan ang aking Pangalan,
Kasalungat ng Patpat, Ako ay Malaman,
Sa Kusina'y napag iwanan,
Iyan ang bulong bulungan,
Hindi sa nagyayabang, kami'y may kaya din nman,
May negosyo't may ipagmamalaki aking kanunonunuan,
Minsan ding umibig nang walang alinlangan,
Sa isang babaeng akala ko'y pang walang hanggan,
Subalit nahuli kong may ibang kasintahan,
Napagtanto kong siya'y salawahan,
Isang araw siya'y sumulpot sa aking harapan,
Humingi ng tawad sa kanyang mga kasalanan,
Subalit sapat na ang aking mga nasaksihan,
Mga pera kong binigay ang lalaki ang nakinabang,
Kaya't ako'y hindi na magpapaloko kaninuman,

Ang mga naranasan niyo'y masaklap isipin,
Pahintulutan sanang estorya ko'y idagdag din,
Ako'y tinaguriang "Matalinong Matsing"
Dahil sa ilong kong bitin na bitin,
Matalino man, ngunit may kulang pa rin,
Dahil ang itsura ko'y isinumpa ng dilim,
Pinagdarasal ko laging ako ay mapansin,
Ng nililigawan kong kasing ganda ng bituin,
Oo nga't maraming humahanga sa angkin kong galing,
Ngunit hindi sa itsura kong walang bahid ng ningning,
Dumating ang panahon nung ako'y umamin,
Sa babaeng ako'y may tunay na pagtingin,
Pagsinta ko'y pinabatid ng mariin,
Sinamantala kahinaang maituturing,
Ako'y ginamit, relasyo'y nilihim
Pinagawa ang mga bagay na labag sa akin,
Isang araw ng ako'y dalhin,
Ng kapatid kong nag aalala sa akin,
Sa paarala'y nasaksihang may ibang kakissing scene,
Kaya napabulong na lng ako sa hangin,
Tama bang ito ang dapat kong sapitin?

Ang mga Kwento nami'y kapulutan ng aral,
Wag Maging bulag sa pagmamahal,
Puso'y isantabi, isip ang ipairal,
Kung noo'y nasktan ng pusong Brutal,
Ngayo'y matuto ka't wag maging hangal,
Kilatising mabuti mga taong kanal,
Puso'y di mawari sintigas ng bakal,
Sariling buhay mo'y wag isugal,
Sa mga taong may pusong mapanakal,
Ipabatid sa lahat Katapangang marangal,
Mapagsamantalang tao'y di dapat magtagal,
Sila'y di nararapat sa mundong Banal.

No comments:

Facebook Page

To Amend or Not To Amend: That is the Question. A Debate on Charter Change.