Pages

Feb 11, 2018

Dear Anti-Duterte Group

Noong namatay ang ilang HongKong nationals sa hostage crisis, at galit na galit ang Hong Kong government sa atin, pinaparesign ba si Purisima? Noong sumikat sa kahihiyan ang Pilipinas dahil sa laglag bala, pinaparesign niyo ba ang MIA chief? Noong nabulok ang mga gamot at bigas para sa Yolanda victims dahil hindi pinamigay, pinaparesign ba ninyo ang Secretary ng DSWD? Never, wala kayong ginawa!

Singil ng singil si Henares sa tax ng maliliit tapos iyon pala hindi niya sinisingil si Lucio Tan at ang PAL na ngayon ay ginawa ni Duterte, nalinlang pala kayo ng amo niyong si PNoy? Ano yung ginawa nila sa Lumad? Mga patayan sa Hacienda Luisita during PNoy's term, pinagresign niyo ba sya?

Noong pumalpak ang forecast at management ni Mar Roxas sa Yolanda, pinaparesign ba siya? Noong ginamit nila ang world donations ng Yolanda sa sarili nilang interest at naubos na raw, ni walang pinakitang liquidation report, pinagresign nyo ba si PNoy? Ni hindi nga natupad magpasagasa sa tren dahil hindi niya nagawa ang MRT sa Cavite? Hindi niyo pa rin pinagresign?
Noong magkasira-sira kada araw ang mga tren, pinaparesign niyo ba si Abaya?
Noog mag-leak ang personal info niyo sa COMELEC, pinaresign niyo ba si Andy Bautista?

Noong nadisgrasya ang SAF 44 dahil sa desisyon nila ni Purisima, pinagresign niyo ba si PNoy? Noong nabubuwisit na ang mga Pilipino sa kapalpakan ni PNoy, pinaparesign nyo ba amo niyo? Alam niyo ba kung sino lang pinaresign niyo? Bukod tanging si Chief Justice Renato Corona dahil pumanig siya sa mga pobreng magsasaka noong nagdesisyon siya sa kaso ng Hacienda Luicita. Ang kakapal ng mga pagmumukha niyo talaga? Resign DU30 kuno, eh yung mga sabwat sa krimen sa panahon ni PNoy, bakit tameme kayo? Kasi para kumbinsihin sarili niyo na karapatdapat sya sa pagkapangulo dahil nagpakatanga kayo noon sa EDSA 1, pinanindigan niyo pa ang katangahan ninyo na binoto niyo ang incompetent na taong ito na kayang kaya niyong utuin na namatay yung nanay niyang tinawag nyong Santo? Ang galing niyo rin ano, pero sablay.

Huwag na kayo ng mangdamay ng kamalasan. Mahiya kayo uy! Ang dilawan ay puro sangkot sa mga kabulastugan at mga korapsiyon, tahimik lang kayong mga taga Ombudsman. Yung mga walang kasalanan at hadlang sa mga dilawan iyon naman ang ginagawan niyo ng mga ppropaganda pra mapagtakpan ang ka-walang hiyaan ng mga dilawan

Sabik na ako sa pagbabago ng ating mahal na bansang Pilipinas.
Post a Comment