Weather in Ilagan City, Isabela, Philippines

Saturday, November 11, 2023

CTRL + ALT + DECEIT: Ito ang Gameshow ng buhay niyo!

Ang ‘Control+Alt+Deceit’ ay istorya ng Bayan ng Pinagkaisahan sa ilalim ng pamumuno ni Mayora Divina Gracia. Perpektong pamumuhay gamit ang makabagong teknolohiya ang kanyang adhikain para sa nasasakupan.

Ito ay orihinal na likha ng mga sumali sa theater arts workshop na tumagal sa loob ng anim na linggo.

Bahagi ng kampanya ni Mayora Divina Gracia na paunlarin ang bayan ng Pinagkaisahan ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Nais nitong ipagamit sa mga mamamayan sa araw-araw ng kanilang pamumuhay ng mga pamilya, sa mga paghahanap-buhay, at maging sa mass media.

May kautusan nisi Mayora na ang anomang negatibong impormasyon ay huwag ma-i-publish ng Voz Unida Media company. Nais din niyang palaguin ang produksiyon ng mga kumpanya upang makakalap ng malaking kita sa mga negosiyo gaya ng McJolliSal sa pamamagitan naman ng mga robot bilang service crews nito. Inutusan din niya na bawat pamilya ay magsumite ng kanilang ideya tungkol sa isang perfect family sa pamamagitan ng larawan, pagsasayaw, at pati mga gawain sa bahay.

Si Cathy ay isang bagong empleyado ng Voz Unida Media. Habang tumataggal ay napapansin niya na ang mga negatibong balita ay hindi ipinapalabas ng kumpanyang pinagtatamrabahuan nito.

Hindi kalaunan ay paparami nang paparami na nga ang mga gumagamit ng makabagong teknolohiya na ida-download lamang ang Santa Siri app sa appstore ay napapagaan na ang mga gawain. Ngunit sa kabilang bahagi ay parami naman nang parami ang mga nagrereklamo sa palpak na paggamit ng teknolohiyang ito.

Una na si Angela na manager ng McJolliSal. Nagkaroon ng palpak na gawain ang mga robot bilang service crews nito. Mga customer ay nagrereklamo dahil may ipis sa pagkaing inorder. Nakarating itong reklamo sa Voz Unida Media. Ang balitang kapalpakan ng MacJolliSal ay pilit na itinatago ng Voz Unida Media.

Isang pamilya naman ay nakilahok sa perfect family task ni mayora. Ang buong pamilya ni Juswa ay nakilahok na nagsumite ng tatlong photos at isang video dance gamit ang Santa Siri app. Ngunit hindi nagtagal ay nagrereklamo si Juswa, pangalawang reklamador. Dahil narin sa makabagong teknolohiyang ginagamit na lumilitaw na fake familya task pala ito.


Ang mga reklamong ito ay nakarating sa Voz Unida Media. Isang kumpanya na gumagamit din ng robots na sina Honeybunch at Bebelove. Pilit pa ring itinatago ang mga reklamong natatanggap ng mediang ito. Bandang huli ay nagkaroon ng malfunction ang robots ng Voz Unida Media. Samantalang nagmemeryenda ang mga kasamahan ni Cathy ay naipublish nito ang mga balitang totoo at pinaalalahanan ni Boss Leon ang magiging epekto ng ginawa ni Cathy.

Itong tatlong reklamador ay sumali sa game show na Bayan ko 'to: Ang game show ng buhay niyo.  Dito isiniwalat ang lahat ng mga kapalpakan na nagawa ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Hindi kalaunan ay naibulgar na ang Voz Unida Media ay nagfifilter ng news. Kaya't ang buong bayan ay nagningas ng galit kay Mayora. Hanggang sa ang buong bayan ay natutong maging mapanuri sa mga balitang naririnig, at pati ng mga paggalit ng mga makabagong teknolohiya na makakaapekto sa mga mamamayan.

Sa wakas ay nananalo din ang bayan dahil hindi na magpapalinlang kundi sama-sama nang mag-iisip sa kapakanan ng bawat isa. Prayoridad na ang kabutihan, pagkakaisa, at magtutulungan para sa katotohan, at katarungan sa bayan ng Pinakaisahan.



No comments:

Facebook Page

To Amend or Not To Amend: That is the Question. A Debate on Charter Change.