Weather in Ilagan City, Isabela, Philippines

Monday, January 15, 2024

Ten reasons to say Yes to charter change

TOP TEN(10) REASONS BAKIT HINDI DAPAT MATAKOT o MANGAMBA sa PEOPLE'S INITIATIVE 2024 or CHARTER CHANGE (Constitutional Reforms)



1. Ang Charter Change o ang tamang tawag talaga is CONSTITUTIONAL REFORMS ay HINDI PROJECT ni SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ.

Walang nakasaad kahit saan man sa mga proposals na gawing PRIME MINISTER si Martin Romualdez. Hindi rin ito matatawag na originally galing sa KONGRESO, kung hindi galing talaga ito sa TAUMBAYAN na mga PROPOSALS na REPORMA.

Hindi ito project ng isang tao lang kundi proposals po ito ng karamihan na nagsimula pa sa kapanahunan ni Fidel Ramos, at nangyayari rin sa panahon ni Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Noy Noy Aquino, at Rodrigo Duterte at patuloy na itinutulak ng mga taong napagtanto nila na ang TUNAY NA DAHILAN sa KAHIRAPAN at KORUPSYON sa PILIPINAS ay nagmumula sa 1987 KONSTITUSYON.

2. Ang UNANG HAKBANG para MASOLUSYUNAN ang mga problemang ito ay ang PAGREPORMA sa 1987 KONSTITUSYON (CONSTITUTIONAL REFORMS) or ang tinatawag sa media na CHARTER CHANGE.

Kasama na dito ang mga terms na ECONOMIC CHACHA, FEDERALISM, PARLIAMENTARY SYSTEM, Constitutional Convention (CONCON), Constituent Assembly (CONASS)

3. Ang ating mga kasama sa SENADO at KONGRESO na siyang tumutulong sa atin na maging katotohanan ito ay sina SENATOR ROBIN PADILLA, REPRESENTATIVES RUFUS RODRIGUEZ, RICHARD GOMEZ, STELLA QUIMBO, JOEY SALCEDA, DONG GONZALES at marami pang iba. Nagkataon lang na si MARTIN ROMUALDEZ ang Speaker at pinakinggan niya ang mungkahi ng karamihan about Constitutional Reforms.

Kasama na ang ibang ekonomista, mga lawyer, mga political scientist, at mga pribadong mamamayan katulad nila PROF. CLARITA CARLOS, ATTY. TONY ABAD, ORION PEREZ D. at marami pang iba tulad ng PIRMA, at CoRRECT Movement.

4. Ang proseso sa PEOPLE'S INITIATIVE ay nagsisimula pa lang sa pagkuha ng mga signature. Ito ay dadaan pa sa PAGSUSURI ng COMELEC at ang FINAL STAGE ay iyong tinatawag natin na PLEBISCITE kung saan pagbobotohan ng taumbayan kung YES or NO sila sa Amendments na sinasabi sa PEOPLE'S INITIATIVE.


Lahat ng mga amendments na nakalatag diyan ay isasapubliko at bibigyan ng MASSIVE INFORMATION CAMPAIGN bago mangyayari ang plebisito. So IMPOSIBLE MAGKAKAROON yung mga PATAGO na mga PANUKALA katulad ng NO ELECTION or TERM EXTENSION at kung ano pa man na sinasabi na dapat katakutan sa PAGREPORMA ng 1987 KONSTITUSYON.

AGAIN, WALANG DAPAT IKATAKOT OR IPANGAMBA sa REPORMA SA KONSTITUSYON, sa PEOPLE'S INITIATIVE, sa Constitutional Convention or kahit na sa Constituent Assembly.

5. Sa CoRRECT Movement, tatlong reporma ang isinusulong na tinatawag nating THREE POINT AGENDA:

  • REMOVAL of the CONSTITUTIONAL ECONOMIC PROVISIONS
    Provisions (Articles 12, 14, 16) - ito ang DAAN natin para makaahon sa KAHIRAPAN dahil sa pagpasok ng mas maraming FDIs na magbi ng maraming trabaho, kapital, at makabagong teknolohiya.
  • Shift to PARLIAMENTARY SYSTEM (Articles 6 & 7)
    - ito ang kasagutan sa PAGSUGPO or pagMINIMIZED sa KORUPSYON
  • Adapt EVOLVING FEDERALISM - Article 10 - ito ang kasagutan para sa MAS PATAS NA PAGLAGO ng mga rehiyon sa bansa.

6. TUNGKOL sa mga ALLEGATIONS na PERA para sa PIRMA, ang nangyayari is nabahiran lang ang PEOPLE'S INITIATIVE dahil isinama ang pagpalaganap nito sa mga pagtitipon ng pagbibigay ng ayuda sa mga tao.


Klarong klaro sa instructions, ano ang nilalaman ng PEOPLE'S INITIATIVE at may mga pamphlets pa nga na ibinibigay at based sa video, tama naman ang pagkasabi na malamang uunlad ang buhay natin kapag nabago ng KONSTITUSYON. Posible rin na hindi na detalyado ang explanation kasi nandoon na lahat sa pamphlets at sa form ang information. Alam mo naman na may katamaran ang mga tao sa ganyan na kalakaran lalo na at pera lang or ayuda ang pinakapakay talaga nila.

Ang importante, walang sapilitan or tinutukan ba ng baril para pirmaha ang form. Ang pagbibigay ng ayuda ay matagal na rin na kalakaran at hindi lang dahil sa PEOPLE'S INITIATIVE. Kahit pa walang P.I., mayroon na talagang ganyan na sistema na tinatawag natin na PADRINO SYSTEM (or ayuda system).

7. Ang PEOPLE'S INITIATIVE 2024 ay suportado rin ng mga REPRESENTATIVE, mga GOBERNADOR , mga MAYOR, hanggang sa mga BARANGAY CAPTAIN kung kaya't ito ay pinadaan nila sa kanilang Constituents na nasanay na sa PADRINO SYSTEM.


Nagbibigay ang mga politiko ng ayuda pero nandun yung tawag natin na mas uunahin nilang bigyan yung mga taong sumusuporta sa kanila sa election at sa mga panahon na kailangan nila ang suporta kagaya ng sa People's Initiative or kung anuman na policies nila.

8. Hindi naiiba ang People's Initiative sa ganito na transaksyon. Walang sinasabi sa intention ng PEOPLE'S INITIATIVE na pirmahan mo ito at bibigyan ka ng pera or ayuda. WALANG PERA para sa PIRMA. Existing na ang network or structure na ganyan. Dumaan lang ang PEOPLE'S INITIATIVE ngayon dahil naghihingi ng suporta ang mga Kongresista at Local na Officials na suportahan ang pagbabago ng Konstitusyon.


This is "just another Tuesday" for them or sa mga taong involved sa PADRINO SYSTEM. Ang PADRINO SYSTEM ang dapat i-call out and not the PEOPLE'S INITIATIVE. Let's NOT THROW THE BABY OUT WITH THE BATHWATER. In fact, this padrino system is a product of the political and economic system borne out of the 1987 Constitution on which is intended to be reformed.

9. As for the PEOPLE'S INITIATIVE 2024, ang punto dito ay upang maklaro ang kahulugan ng Article XVII Section 1 (1)


ARTICLE XVII
Amendments or Revisions
Section 1. Any amendment to or revision of, this Constitution may be proposed by:
(1) The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members,
(dinagdag ang naka-BOLD LETTERS sa huli ng section na ito)
VOTING JOINTLY AT THE CALL OF THE SENATE PRESIDENT OR SPEAKER OF THE HOUSE OF REPRESENTATIVES or
XXX"

10. Tinutulak ang amendment na ito para matapos na ang pagtatalo ng House of Representatives at Senado dahil sa Article na ito na dahilan upang hindi makausad ang usapin ng REPORMA sa KONSTITUSYON.


Kapag nanalo ito sa Plebiscite ng People's Initiative, puwede nang ipagpatuloy ang usapin sa kung anong mga reporma na kailangan pag-usapan at ang pagbuo ng Constitutional Convention or Constituent Assembly.

But unless na maresolba ito, walang mangyayari sa PAGREPORMA ng KONSTITUSYON sa kadahilanang hindi rin nakipagtulungan ang SENADO.

Ang SENADO talaga ang BALAKID sa mga USAPIN NA REPORMANG KONSTITUSYON kaya't mas maigi na hindi na lang rin natin sila isali sa usapan. Nasa isipan kasi nila na kapag nagkaganun, mawawala ang SENADO at mawawala ang kanilang kapangyarihan at impluwensiya. Again, sa PEOPLE'S INITIATIVE, WALANG sinasabi dito na magiging PRIME MINISTER si MARTIN ROMUALDEZ.

Wala pa nga yung proposal na PARLIAMENTARY SYSTEM.

Walang sinasabi na TERM EXTENSION or NO ELECTION sa 2025 or 2028.

Wala ring sinasabi na i-WEAKEN ang SENADO, KINUKUHA lang natin sa kanila ang KAPANGYARIHAN na PIGILAN ang TUNAY NA PAGBABAGO sa pamamagitan ng REPORMA sa KONSTITUSYON.

At idadaan natin yan sa TAUMBAYAN (PLEBISITO ) na siyang HULING HUSGA sa USAPING ITO.

Check this website for more information: correctphilippines.org

Sana po NALIWANAGAN KAYO at NAWALA ang inyong TAKOT at PANGAMBA at suportahan natin ang PEOPLE'S INITIATIVE 2024 para sa PAGREPORMA sa 1987 KONSTITUSYON.
Join here:

Join CoRRECT™ Movement Moderated Public Forum on Facebook: https://www.facebook.com/groups/correctmovementforum/?ref=share

No comments:

Facebook Page

To Amend or Not To Amend: That is the Question. A Debate on Charter Change.